Ang SONA ni Noynoy Aquino noong Hunyo 23, 2013 ay pinag-uusapan na sa mga panahong ngayon. Maraming tao ang naniniwala sa mga sinasabi ng ating presidente, ngut marami rin ang naniniwalang kasinungalingan lamang ang mga ito. Marami ang nag-rally sa Batasang Pambansa sa araw na iyon, marami rin ang nanatili sa bahay at nanood kay Aquino.
Sa SONA ni Noynoy ay nabanggit niya ang mga kabutihang nagawa niya sa loob ng tatlong taon sa pamamahala, katulad ng pagtaas ng gross domestic product ng 6.4 % kaysa sa nakaraang taon, ngunit sa tingin ng ibang tao ay hindi ito nakatulong sa pagbababa ng presyo ng kuryente, langis, at kahit Health Care. Paano na ngayon ang ating pamumuhay? Kaht na may nakadokumentong mga titulo ay sa tingin ng ibang tao ay hindi naman nakatutulong. "Sana naman ay may mas natutulungan naman ang mga ginagawa ni Noynoy?", iyon ang sa tingin ng mga taong himala na matupad. Kahit ang ibang mga taga-pulitika ay naghihinayang na sa kanya. Ang iba ay bumabatikos na at nanlalamig sa kanyang pamamahala. Upang maiwasan ang paglaganap ng pagbabatikos ay talagang kinakailangang matupad ni Noynoy ang pangako niyang uunlad ang ating bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento